Kahulugan Ng Pagpapahalaga Sa Pamilya?
Kahulugan ng pagpapahalaga sa pamilya?
Ang pagpapahalaga sa pamilya ay tumutukoy sa pagbibigay ng importansya o halaga sa buklod ng pamilya. Ginagawa ng isa ang kaniyang pananagutan bilang miyembro nito. Sinisikap niyang maglaan ng kagalakan sa pamilya. Naglalaan siya ng kaniyang quality time para sa isat-isa. Nagsisikap din siyang kilalanin sila, mga kalakasan at limitasyon at saka gumagawa ng hakbang upang mapasulong iyon.
Lahat ng pagsisikap niya sa kaniyang sarili ay nagiging posible dahil inspirasyon niya ang kaniyang pamilya. Magiging bukambibig niya sila, at kasa-kasama sa kaniyang mga gawain at tagumpay.
Comments
Post a Comment