Ano Ang Masamang Naidudulot Ng Social Bullying

Ano ang masamang naidudulot ng social bullying

Napakaraming masamang naidudulot ang social bullying. Ang mga epekto nito ay maaaring humantong pa sa mas mabigat na problema o sanhi ng karahasan. Ngunit bago natin ilahad ang mga masamang resulta ay dapat muna nating maunawaan ang kahulugan ng social bullying. Ano nga ba ang social bullying?

Ang social bullying o tinatawag din sa tagalog na "sosyal o relasyonal na pambubulas" ay isang uri ng pambubulas o bullying na naglalayon na sirain ang relasyon o ugnayan ng isang tao sa kanyang kapwa. Ito ay ang pagsira sa reputasyon at pagtingin ng tao sa binubulas. Ang ilang mga halimbawa ng sosyal na pambubulas ay:

  • Pagkakalat ng hindi totoo o nakasisirang impormasyon tungkol sa binubulas
  • Sadyang pag-iwan o paglayo sa binubulas
  • Paghikayat sa mga tao na huwag pansinin ang binubulas
  • Sadyang pagpapahiya ng binubulas sa harap ng mga tao

Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa mga ibat ibang uri at halimbawa ng pambubulas o bullying, maaaring magpunta sa mga pahinang ito: brainly.ph/question/435411 at brainly.ph/question/824633

Anu-ano ang mga masasamang epekto ng sosyal na pambubulas? Narito ang ilan sa mga posibleng epekto sa binubulas:

  • Pagbaba ng kumpiyansa sa sarili
  • Depresyon
  • Pagiging mahiyain o pagiging sobrang palaban
  • Pagkakaroon ng galit sa mundo
  • Kahirapan sa pagkakaloob ng tiwala sa iba

Kung nais pang makaalam ng mga iba pang mga epekto ng pambubulas sa biktima, maaaring pumunta sa pahinang ito: brainly.ph/question/539735

Sa panahon ngayon, maraming mga karahasan na nangyayari sa paaralan. Maaaring ganito rin ang mga epekto ng bullying sa pag-aaral. Bukod sa pasalitang pambubulas, sosyal na pambubulas, at pisikal na pambubulas ay mayroong naidagdag na napapanahong uri ng pambubulas. Ito ay ang cyber bullying o cyber na pambubulas o pambubulas gamit ang social media.



Comments

Popular posts from this blog

Bakit Mo Gusto Maging Stewardess