Isyung Panlipunan Ng Kabanata 32 El Filibusterismo
Isyung panlipunan ng kabanata 32 el filibusterismo
El Filibusterismo
Kabanata 32: Ang Bunga ng mga Paskil
Isyung Panlipunan:
Sa kabanatang ito masasalamin ang matinding pangamba ng mga magulang para sa kanilang mga anak. Dahil sa mga pangamba na ito, minabuti ng ilang mga magulang na huwag ng pag - aralin ang kanilang mga anak. Ipinapalagay nila na mas mainam na ang manatiling walang alam ang kanilang mga anak kaysa madawit sa mga kaguluhan ng pagkakaroon ng higit na karunungan. Kaya naman, nananatiling mangmang ang mga kabataan noon dahil sa takot na kapag sila ay natuto ay lalaban sila sa kanilang mga magulang. Katunayan, sa kwentong ito iba iba ang naging kapalaran ng mga kabataan na nadawit sa mga paskil. Ang isa sa kanila ay nakapasa dulot ng pagtitiyaga. Meron namang hindi na nag - aral ngunit tumulong sa negosyo ng pamilya at may isa na nakulong dahil sa maling bintang. Ang tanging naiwan sa bilangguan ay si Basilio na walang padrino upang siya ay makalaya. Ganito ang kalagayan ng mga batang naghihimagsik sa lipunan. Ang karamihan sa kanila ay pinahihirapan sapagkat itinuturing nilang kalaban ang pamahalaan. Tulad ng nangyari kay Basilio, makukulong sila at nagdurusa sa loob ng kulungan hanggang sa sila ay magsisi at tuluyan ng tumigil sa pagtuligsa sa pamahalaan.
Comments
Post a Comment